Thursday, November 1, 2012

Introduksyon

Introduksyon


Talasaysayan


1. ekwador - isang imaginary line na humahati sa mundo sa hilaga at timog hating-globo; ang linyang ito, na batayan rin sa pagtukoy ng latitud, ay may markang 0° latitud.


2. global rid - ang kathang-isip na paghahati-hati sa mundo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga guhit latitud at guhit longhitud dito.


3. globo - isang mapa na inilalahad sa paraang pabilog na tulad ng mundo.


4. mapa - isang malikhaing paglalarawan sa mga katangan ng isang lugar, tulad ng mundo o ng mga bahagi nito; karaniwan ito ay isang patag na paglalarawan.


5. oblate spheroid - tinatayang hugis ng daigdig na pabilog ngunit animo ay malapad bandang Polong Hilaga at Polong Timog at maumbok  sa ekwador.


6. orientalismo - isang pananw na pinaiiral ng mga Kanluranin kung saan ang buong Silangan ay inilalahad bilang mas nakababang uri at kabihasnan na nararapat sakupin upang mapaunlad.


7. prime meridian - isang imaginary line na nagdurugtong sa Polong Hilaga at Polong Timog at dumaraan sa Greenwich, na bahagi ng London at England; ito ay may markang 0° longhitud.


Pagpapahalaga sa Pag-aaral ng Kasaysayan



Ano ang kasaysayan? Ang kasaysayan ay:


  • isang salaysay na may saysay para sa isang partikular na pangkat ng mga tao.
  • makabuluhang paglalarawan ng kasalukuyanng henerasyon ukol sa pinagdaanan ng kanilang salinlahi.
  • isang simpleng talaan ng mga pangyayari sa nakaraan o listahan ng mga bayani at makasaysayang bayan.
  • salaysay ng mga pagsisikap at pakikibaka ng isang lahi o pangkat ng mga lahi upang matamo ang hinahangad na lipunan.


Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?


  •  Mahalagang pag-aralan o balikan ang nakaraan upang:maunawaan ang kasalukuyang panahon at mapaghandaan ang hamon ng hinaharap


Sa pagsulat ng ating kasaysayan bilang mga Asyano, iba't - ibang pananaw ang ating ginagamit upang mabigyan natin ng saysay ang ating nakaraan. Ang ilan sa mg pananaw ay ang:


  • Paglakas at pagbagsak ng mga dinastiya at imperyo. Ito ay batay sa paniniwala ng mga ninuno na ang kasaysayan ay paulit-ulit lamang at walang patutunguhan.
  • Reincarnation. Ito rin ay batay sa paniniwala ng mga ninuno na ang kasaysayan ay paulit-ulit lamang at walang patutunguhan.
  • Relihiyosong pananaw o Asyanong Pananaw. Ito ay paniniwalang ang Maykapal ay may nakatakdang plano para sa sangkatauhan at Siya ay namumuno sa lahat ng Kanyang mga nilikha.
  • Orientalismo. Isang pananaw na pinaiiral ng mga Kanluranin kung saan ang buong Silangan ay inilalahad bilang mas nakabababang uri at kabihasnan na nararapat sakupin upang mapaunlad.


Ang ating pag-aaral sa kasaysayan ng Asya ay maaaring ibatay sa tatlong kategorya ng mga pangunahing batis. Ang mga ito ay: 


  1. Nakasulat na batis. Ito ay binubuo ng batis pampanitikan at batis opisyal. Ang batis pampanitikan ay ang mga pangyayari sa nakaraan na nasaksihan mismo ng mga sumulat nito, kaya naman karaniwan itong nakatala ayon sa pananw ng manunulat. Halimbawa nito ay ang mga akda ni Sima Qian, ang Grand Historian ng China. Ang batis opisyal naman ay binubuo ng mga tala ng mga transaksyon ng nakalipas. Halimbawa nito ay ang mga papeles ng pamahalaan.
  2. Kulturang materyal. Ito ay ang mga kagamitan na siyang naging bunga ng mga nakaraang gawain tulad ng mga sinaunsang barko at monumento.
  3. Tradisyunal na batis. Ito ang mga hindi materyal na pamanang lahi tulad ng mga alamat at bugtong.


Paggamit ng Globo at Mapa



May dalawang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar. Ito ang:


  1. Pagtukoy sa tiyak na kinaroroonan. Sa pagtukoy ng tiyak na kinaroroonan, inaalam ang eksaktong lokasyon ng isang lugar sa globo sa pamamagitan ng pagtantya ng latitud at longhitud nito. Halimbawa, ang Beijing ay matatagpuan sa 40° hilaga at 116° silangan sa mundo.
  2. Pagsasabi ng kaugnay na lugar sa kinaroroonan. Sa pagsasabi ng kaugnay na lugar sa kinaroroonan, inilalarawan ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pagbanggit ng lokasyon nito kaugnay ng ibang lugar. Halimbawa, ang bansang Saudi Arabia ay matatagpuan sa Tangway ng Arabia sa Kanlurang Asya.


Ang Globo



Ang globo ang siyang pinakatumpak na paraan ng paglalarawan ng lokasyon ng mga lugar sa mundo. Upang mapadaling matukoy ang mga lugar sa globo, hinati-hati ito sa mga imaginary line na bumubuo ng global rid. Sa pamamagitan ng grid, nabigyan ng marka ang lokasyon ng isang lugar sa mundo.


Ang mga pahalang na imaginary line na nakapaikot sa globo mula silangan hanggang kanluran ay tinatawag na guhit latitud. Kahanay ng mga guhit latitud ang ekwador, imaginary line na humahati sa mundo sa hilaga at timog hating-globo, kaya karaniwang tinatawag ang mga ito na parallels of latitude. Ginagamit ang parallels of latitude upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa timog o hilaga ng ekwador.


Ang mga patayo namang imaginary line na nakapaikot sa globo mula hilaga hanggang timog ay tinatatwag na guhit longhitud. Kahanay ng mga guhit longhitud ang prime meridian, imaginary line na nagdurugtong sa Polong Hilaga at Polong Timog at dumaraan sa Greenwich, na bahagi ng London sa England, kaya karaniwang tinatawag ang mga ito na meridians of longtitude, Sa pamamagitan  ng meridians of longtitude, natutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa silangan o kanluran ng prime meridian.


Ang kabiugan ng globo ay may 360°. Ang ekwador at ang prime meridian ay may markang 0°.


Ang Mapa



Ang mapa ay isang instrumento na ginagamit ng mga heograpo upang ibahagi ang kanilang mga natuklasang kaalaman sa mamamayan. Makikita sa isang mapa ang iba't - ibang lugar at ang kanilang mga hangganan, anyong kalikasan, at iba pang bagay na matatagpuan sa ibabaw ng mundo.


Iba-iba ang inilalahad ng mga mapa ayon sa uri ng mga ito. Halimbawa:


  • Mapang Pulitikal. Ito ay nagpapakita ng lokasyon ng mga bansa at ng kanilang mga hangganan. Ipinakikita rin ng mapang ito ang mga rehiyon, lalawigan at mga bayan na sakop ng isang bansa. Sa maoang pulitikal din matatagpuan ang kabisera ng isang bansa na may palatandaang bituin,
  • Mapang Pisikal. Ito ay nagpapakita ng mga katangiang pisikal ng isang lugar. Kasama rito ang paglalahad ng kinaroroonan at taas, lawak, o haba ng mga bulubundukin, disyerto, lambak, dagat, lawa, look, ilog at iba pang pisikal na katangian ng isang lugar. Karaniwan ding ipinakikita sa mapang pisikal ang mga anyong tubig na may kulay na asul.


May mga bahagi ng mapa na makatutulong upang madaling maunawaan ng babasa ang mga nilalaman nito. Kabilang sa mga bahaging ito ang:


  • Compass rose. Ito ang nagbibigay ng mga pangunahing direksyon (hilaga - H, timog - T, silangan - S, kanluran - K).
  • Susi o Legend. It ay nagbibigay kahulugan naman sa mga simbolong ginagamit sa mapa. Ito ay karaniwang matatagpuan sa gilid ng mapa.
  • Iskala. Ito ay nagsasaad ng proporsyon ng sukat ng isang lugar na nakasaad sa mapa sa tunay na sukat nito.